Powered By Blogger

Sunday, February 7, 2010

Kowt no.1

"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

Ano ba ito nasa kalagitnaan ako ng pag mumuni muni ng mabasa ko kowt na ito, bigla akong napaisip ha, para kasing naguluhan ako na hindi ko maintindihan (naguluhan na d hindi nga maiintidihan!!!GAGA) ewan ko ba kung bakit sa dami naman ng pwede ko pagkaabalahan at pakaisipin eh eto pa napagtripan ko, infairness may point siya ha, kung 2 nga naman ang mahal mo at kailangan mo pumili tama lang naman na piliin mo ung pangalwa dahil kung mahal mo nga naman yung una eh bakit mo pa minahal ung pangalwa... pero minsan may mga tao kasi na sadyang napaglalaruan o malamang naglalaro talaga sila, para sa akin DEPENDE sa SITUATION yan... may pagkakaton na malaya ka na mapipili mo ang pangalawa pero paano kung nakatali kana? ganun ba kadali na piliin mo ang pangalawa? parang mahirap ata yun diba?

Masasabi kolang mga kaberks lahat ng desisyon ay nasa sa atin, sana lang nga lahat ng magiging desisyon na gagawin ng bawat isa ay maging tama dahil pinaka mahirap sa lahat ay ang magsisi sa huli, laging tandaan nasa huli ang pag sisisi.

No comments:

Post a Comment