Bago ang lahat isang nakakapagod na araw ito para sakin, kasi ba naman napagod ako ng sobra sobra sa paghiga sa kama, kanina ramdam na ramdam ko ang hirap ng pinipilit mong matulog ng hindi ka naman makatulog, sabagay mahirap talaga yun ha, pero ganun din pumasok pa din ako sa opisina at nag bait baitan kahit na sa totoo lang ayoko na talagang pumasok kasi tinanghali na ako. Naalala ko mlapit na nga pala ang "balentayms day" ganyan na ganyan tawag kanina ng mga batang nagchichikahan na nadaan ko habang bibili ako ng miryenda sa canteen, kakaloka sila gawin bang balentayms ang VALENTINES.. sabagay mga bata pa kasi sila ang alam lang nila pag Valentines Day un na dapat may kapartner kung hindi ung crush mo eh un kayang jowa jowaan mo, naalala ko nuong hayskul pa ako may jowawers din ako hala usong uso pa nuon ung ikukulong kayo ng naka posas, o kaya naman dadalahin kayo sa marriage booth at sapilitang ipapakasal kunwari pa aayaw ayaw ako nun kaya malimit ako batukan ng hinayupak na ex ko eh, gustong gusto naman daw pa epek pa, syempre pa epek ako para naman hindi mahalata na kilig na kilig ako diba? halos taon taon ata kinakasal kami sa marriage booth na yun hayz ano ba yan naalala ko na naman ang mokong na yun, sabagay hayaan nyo na naging part siya talaga ng valentines day ko nung mga nakaraan eh... pero hayskul pa nuon ngaun naisip ko ilang taon na din ata ako hindi kinikilig sa Valentines Day na yan ahhh, parang ngaun lang ata ako ulit naging excited sa pagdating nya kung bakit?????? basta bakit ba malalaman nyo din yan kung d ko man iaadvance ang Valentines eh iuurong ko yan!!! Bago ko nalang kayo balitaan.....
O siya mamaya na ulit babalik ako wala na ako maisip na maidaldal sa inyo... mamayang gabi itutuloy ko malay nyo pag uwi ko kiligin ako dba???? mamaya madami ako isisigaw na kilig moments...
Wednesday, February 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hehehe...like your blog... hope that you'll drop by to my blog also... continue writing,,, God bless
ReplyDelete