Bago ang lahat isang nakakapagod na araw ito para sakin, kasi ba naman napagod ako ng sobra sobra sa paghiga sa kama, kanina ramdam na ramdam ko ang hirap ng pinipilit mong matulog ng hindi ka naman makatulog, sabagay mahirap talaga yun ha, pero ganun din pumasok pa din ako sa opisina at nag bait baitan kahit na sa totoo lang ayoko na talagang pumasok kasi tinanghali na ako. Naalala ko mlapit na nga pala ang "balentayms day" ganyan na ganyan tawag kanina ng mga batang nagchichikahan na nadaan ko habang bibili ako ng miryenda sa canteen, kakaloka sila gawin bang balentayms ang VALENTINES.. sabagay mga bata pa kasi sila ang alam lang nila pag Valentines Day un na dapat may kapartner kung hindi ung crush mo eh un kayang jowa jowaan mo, naalala ko nuong hayskul pa ako may jowawers din ako hala usong uso pa nuon ung ikukulong kayo ng naka posas, o kaya naman dadalahin kayo sa marriage booth at sapilitang ipapakasal kunwari pa aayaw ayaw ako nun kaya malimit ako batukan ng hinayupak na ex ko eh, gustong gusto naman daw pa epek pa, syempre pa epek ako para naman hindi mahalata na kilig na kilig ako diba? halos taon taon ata kinakasal kami sa marriage booth na yun hayz ano ba yan naalala ko na naman ang mokong na yun, sabagay hayaan nyo na naging part siya talaga ng valentines day ko nung mga nakaraan eh... pero hayskul pa nuon ngaun naisip ko ilang taon na din ata ako hindi kinikilig sa Valentines Day na yan ahhh, parang ngaun lang ata ako ulit naging excited sa pagdating nya kung bakit?????? basta bakit ba malalaman nyo din yan kung d ko man iaadvance ang Valentines eh iuurong ko yan!!! Bago ko nalang kayo balitaan.....
O siya mamaya na ulit babalik ako wala na ako maisip na maidaldal sa inyo... mamayang gabi itutuloy ko malay nyo pag uwi ko kiligin ako dba???? mamaya madami ako isisigaw na kilig moments...
Wednesday, February 10, 2010
Sunday, February 7, 2010
Kowt no.1
"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
Ano ba ito nasa kalagitnaan ako ng pag mumuni muni ng mabasa ko kowt na ito, bigla akong napaisip ha, para kasing naguluhan ako na hindi ko maintindihan (naguluhan na d hindi nga maiintidihan!!!GAGA) ewan ko ba kung bakit sa dami naman ng pwede ko pagkaabalahan at pakaisipin eh eto pa napagtripan ko, infairness may point siya ha, kung 2 nga naman ang mahal mo at kailangan mo pumili tama lang naman na piliin mo ung pangalwa dahil kung mahal mo nga naman yung una eh bakit mo pa minahal ung pangalwa... pero minsan may mga tao kasi na sadyang napaglalaruan o malamang naglalaro talaga sila, para sa akin DEPENDE sa SITUATION yan... may pagkakaton na malaya ka na mapipili mo ang pangalawa pero paano kung nakatali kana? ganun ba kadali na piliin mo ang pangalawa? parang mahirap ata yun diba?Masasabi kolang mga kaberks lahat ng desisyon ay nasa sa atin, sana lang nga lahat ng magiging desisyon na gagawin ng bawat isa ay maging tama dahil pinaka mahirap sa lahat ay ang magsisi sa huli, laging tandaan nasa huli ang pag sisisi.
Panimula ng Dyosa
Ako nga pala si dyosang gala, kakaiba ako sa lahat ng dyosa kasi sa totoo lang d naman ako dyosa feeling dyosa lang,(josajosahan) mas ok naman na dyosang gala nalang kaysa naman sa pusang gala ang gamitin ko diba? mas ok na mag feeling dyosa nalang ako kesa sa feeling pusa!!! hindi ko alam kung ano sumaksak dito sa walang laman kong kokote at nagsusulat ako ngayon dito, hayaan na ninyo kung mapadpad man kau dito mag enjoy man kau o hindi eh wala na ako magagawa diba (nagpaawa eh no???) basta ngayon palang ihanda na ninyo ang mga sarili ninyo sa pagbabasa sa mga isusulat kong maaring sa iba ay walang wenta pero para sakin lahat yan ay makwenta. Umpisahan ko maya maya ihahanda ko lang kukkote ko ha
Subscribe to:
Posts (Atom)